Sunday, April 17, 2016

Salamat SGPPA sa Pagkakataon!


Jerrynold Escote, SGPPA Grantee and a graduate of Bachelor of Science in Information Technology was once awarded by CHED as an outstanding grantee way back in 2013. Below is his speech upon receiving the award. This could also be his speech on his day of graduation:

First of all I would like to greet you a pleasant morning/afternoon/evening. Please allow me to introduce myself. I am Jerrynold V. Escote, one of the SGP-PA grantees from Davao del Norte State College, Panabo City at kasalukuyang nasa 2nd year na sa kursong BSIT. I am the fifth child of the 14 siblings of Mr. Nelson and Sabina Escote.
            Bago po dumating ang Enero 12, 2013, ang araw kung saan nagbago ang aking buhay, isa lamang po ako sa mga kabataan na nangangarap at umaasa na mabigyan ng pag-asa at pagkakataon na makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Natatandaan ko pa kung paano naghirap si Ate upang tustusan ang unang taon ko sa kolehiyo sa isang pribadong pamantasan. Gaya ng inaasahan, hindi niya nakayanan ang aking pangangailan kaya ako’y napatigil at naghanap ng mapagkakikitaan upang sariling pangarap ay aking matustusan. Pinasok ko ang isang trabaho na sumusweldo sa akin ng di sapat para makaipon upang ipanggastos sa pag-aaral. Sinubok kong maghanap ng mga scholarships, kumuha ng mga pagsusulit; subalit hindi yata kampi sa akin ang tadhana.
            Ayon kay Albert Einstein, “There are only two ways to live your life. One is as though nothing is a miracle and the other one is as though everything is a miracle”. Ang naintindihan ko dito ay may mga bagay sa ating buhay na hindi natin inaasahan na mangyayari. Tulad ko po, hindi ko po inaasahan na pagdating ng Enero 12, 2013, darating sa akin ang scholarship na aking hinahangad. Hindi ko na po hinanap ngunit kusa kong natagpuan. Nasabi ko tuloy sa aking sarili na isa na nga ako sa mga mapapalad na kabataan na mapagbigyan ng ating gobyerno ng pagkakataon na makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo, mabago ang buhay, makatikim ng ginhawa, makatulong sa pamilya at maging mabuting mamamayan ng bayan.
            Uulitin ko po, ang pagkakataong ito na ibinigay ng pamahalaang Aquino para sa aming mga kabataan ay hindi mapapantayan ng kahit anuman. Ito ang nagsisilbing natitirang pag-asa na balang-araw ang aming pangarap ay maisasakatuparan. At may mga pamilyang nakangiti dahil sa magaan na pamumuhay.
            Dahil dito, ang SGP-PA ay isang inspirasyon para sa akin upang pagbutihan pa lalo ang aking pag-aaral at gawin ang lahat upang maging isang karapatdapat na iskolar. Noong April 13, 2014, pinangaralan ako at ng lima ko pang kapwa SGP-PA ng aming Kolehiyo dahil sa nagkamit kami ng matataas na marka. At ngayon nandito ako sa inyong harapan dahil sa SGP-PA. Dinala niya ako dito upang ipahatid sa inyong lahat na unti-unti ko nang natitikman ang katuparan ng aking mga pangarap. Salamat sa SGP-PA. Salamat sa CHED. Salamat Pangulong Aquino. Binigyan ninyo ako ng pagkakataon na makasakay ng eroplano, makatulog sa malambot na kama at makakain ng masasarap na pagkain at higit sa lahat ang makita ang Maynila sa araw at sa gabi.
            Kaya para po sa mga SGP-PA grantees na katulad ko, huwag na huwag po natin sayangin ang pambihirang pagkakataon na ito. ‘ika nga nila hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng maraming opurtunidad sa buhay. Kaya lagi nating tatandaan ang sinabing ito ni Lao Tzu, “Be contented to what you have, rejoice in the way things are. When you realize there is nothing lacking, the whole world belongs to you”. Kaya, tayo ay dapat magsumikap sa ating pag-aaral upang maka-ahon tayo sa kahirapan. Always remember God has plan for us, like what He said in Jeremiah 29:11, “For I know the plans I have for you,” declares the Lord “plans to prosper you not to harm you; plans to give you hope and a future.”
            Para sa lahat ng mga nangangarap, bata man o matanda always remember, when one door closes, another opens; but we often look so long and so regretfully upon the closed-door that we do not see the one which has opened for us”. Albert Einstein also once said and I quote, “Who has never made mistake has never tried anything new.” So, in times of hardships and difficulties, don’t give up and have faith in God.
            Ngayon, ako po at ang iba ko pang mga kasamahan na SGP-PA grantees ng Davao del Norte State College at ng buong Region XI ay taos pusong nagpapasalamat, unang-una sa ating Panginoon na nagbigay sa atin ng buhay at sa mga biyayang ipinagkaloob niya sa atin. Lubos din po ang aming pasasalamat sa mga mabubuting tao na kanyang ginawang instrumento upang mabago ang gaming mga buhay. Unang – una  sa ating mahal na pangulo, kagalang – galang na Pangulong Benigno Aquino III, sa ating mahal na Vice President Jejomar Binay, sa mga kinatawan ng DSWD na pinangungunahan ni Sec. Dinky Soliman, sa mga kinatawan ng CHED na pinangunahan ni Commissioner Patricia B. Licuanan at ang napakahusay, napakamaasikaso at bibong-bibo na CHED Director ng Region XI na si Dr. Raul C. Alvarez at sa kanyang mga kasamahan. Taos puso din po ang aking pasasalamat kay Prof. Josiedel Santamaria sa kanyang sakripisyo’t pagmamahal at sa pagiging nanay sa aming lahat.
              Inuulit ko po, maraming-maraming  salamat po sa inyo, sa pag – asang ibinigay ninyo sa mga kabataang nangangarap, sa mga magulang na nagsusumikap at sa bayang hindi nawawalan ng pag-asa na darating ang araw makikilala at magiging isa sa mga matagumpay na bansa.
            At para po sa CHED, in behalf of SGP-PA Grantees from Davao del Norte State College, maraming-maraming salamat po sa parangal na iginawad ninyo sa amin sa araw na ito. Inaalay ko po ang parangal na ito sa lahat ng mga SGP-PA grantees at sana ito’y maging palatandaan sa patuloy nating pagsusumikap upang maabot ang ating mga pangarap. Sana ito’y maging inspirasyon sa ating lahat upang mapatotohanan na ang kahirapan ay kailanma’y hindi hadlang sa pagkamit natin ng tagumpay.

             Thank you and God bless us all.

Here are some graduation pictures posted on Facebook by some of proud SGPPA graduates.


Danica Sangilan

Classmates, Batchmates, Roommates!!!

Groufies with the SGPPA mother mentor, Prof. Josiedel Santamaria.

Rodel Lampios

Jean Calunsag and Leomar Malang: Graduated together..

Ruby Rose Napoles

The SGPPA Graduates Batch 2016

The graduates with their proud family.

Credits to the owner of the photos.

No comments:

Post a Comment